
TIKTOK STAR OF THE DAY
@hinataelka nanana #thehouseofcollab
@hinataelka Hirap pag di mo maintindihan, di ko makuha yung bibig 🫣 #thehouseofcollab
SA social media, nagiging bituin ang influencer na kilala sa kanyang karisma at kakaibang talento. Isa sa mga pangalan na umuusbong sa kasalukuyang panahon ay si Mahalia Elka Martinez na tinatangkilik ng libu-libong netizens.
Sa kanyang TikTok account na @hinataelka, masasaksihan ang pag-usbong ng kanyang online presence, kung saan masiglang nagtatampok ng mga travel videos at mini-dance covers ng mga viral song at sayaw.
Hindi maikakaila ang kanyang husay sa pagpapakita ng talento at ang pagpapasaya sa kanyang mga tagasubaybay, kaya naman nakapagtala siya ng halos 9.4 milyong followers at humigit-kumulang 284.4 milyong likes.
Ngunit hindi lamang ang kanyang kahusayan sa pagsayaw at pag-arte ang nagbigay daan sa kanyang kasikatan. Isa rin si Mahalia sa mga kilalang “budolera,” na masigla ang pagmumungkahi sa kanyang mga tagasubaybay na subukan ang mga produktong ginagamit niya. Mula sa mga skincare products hanggang sa mga fashion items, nagiging inspirasyon siya para sa kanyang followers na maging maingat at masusing mamili ng kanilang mga gamit.
Sa kabila ng kanyang online fame, nananatili si Mahalia Elka Martinez bilang isang makulay na indibidwal na handang ibahagi ang kanyang mga karanasan at talento sa kanyang malalapit na netizens.