Arestado GOOD JOB–Pinuri ni MPD Chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang mga pulis matapos maaresto ang umano’y mastermind sa pagtakas sa MPD Station 1 noong Nob. 8 sa Cavite noong Linggo. Kuha ni Jon Jon Reyes

9 na pugante ng MPD himas-rehas ulit

November 13, 2023 Jonjon Reyes 348 views

NAHULI na lahat ang siyam na presong tumakas sa selda ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1 nang maaresto ang itinuturong mastermind na si Jefferson Tumbaga sa SBUC Compound, Soldiers Hill, Narra St., Bacoor City noong Linggo.

Bandang alas-2:15 ng madaling araw nang matimbog ang pugante sa nasabing lugar, ayon sa mga pulis.

Nahuli ang mastermind sa pagpuga sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, assistant chief ng District Intelligence Division (DID) ng MPD, kasama sina Police Major Edward Samonte, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU); at mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) sa utos ni Police Colonel Samuel Pabonita, DID chief.

May kasong illegal possession of firearms si Tumbaga, ayon sa mga pulis ng MPD-Station 1.

Pinasalamatan ni MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang mga pulis sa pagkakatimbog kay Tumbaga.

AUTHOR PROFILE