Posas

Kelot tatakas sana tiklo sa pen gun

November 13, 2023 Jonjon Reyes 262 views

NAHULI ng mga pulis ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 ang isang 27-anyos na lalaki na nagtangka pang tumakas dahil sa dalang pen gun noong Sabado sa Antonio Rivera St., Tondo, Maynila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander, ang suspek na si alyas Jake, ng Dagupan St., Tondo.

Base sa ulat nina Patrolman Cesar Dizon lll at Patrolman Alejandro King Cordova, bandang alas-7:30 ng gabi nang mamataan nila ang suspek na may kahina-hinalang kilos.

Nilapitan ng dalawa ang suspek pero nagtangka pang tumakas kaya mabilis na kinapkapan at doon nadiskubre na may dala itong pen gun na may bala.

Pinosasan ang suspek at bago dinala sa presinto, isinailalim sa medical examination sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

AUTHOR PROFILE