Default Thumbnail

2 Chinese nat’ls, 2 chicks timbog sa carnapping

November 13, 2023 Edd Reyes 218 views

DALAWANG lalaking Chinese at dalawang bebot ang hinuli ng mga pulis sakay ng mamahaling kotse na ini-report na tinangay ng hinihinalang mga carnapper sa Paranaque City.

Timbog sa mga tauhan ng Paranaque Police ang mga suspek na sina alyas Xing, 32, at alias Huang, 39.

Timbog din ang mga kasama nilang bebot na sina alyas Krizzia, 27, at alias Leavida, 28, na parehong nagpakilalang mga negosyante.

Hinuli ang apat sakay ng itim na BMW X-3 na isa sa mga sasakyang naka-alarma sa Highway Patrol Group ng Philippine National Police (HPG-PNP) at sa kapulisan ng Southern Police District (SPD) dahil biktima ng carnapping.

Sa report na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, dakong alas-11:40 ng gabi nang mamataan ng Officer-in-Charge ng Casiana Residences sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ang sasakyan na ini-report sa mga awtoridad na tinangay ng hinihinalang carnapper sa parking area ng naturang condominium noong Nob. 2, 2023.

Hinarang ng mga security officer ng condominium ang sasakyan para hindi makaalis hanggang sa dumating ang mga nagrespondeng tauhan ng Paranaque police na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, kasong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Law ang isasampa laban sa apat na suspek.

AUTHOR PROFILE