
PH may 4,083 bagong physicians
UMABOT sa 4,083 ang bagong physicians ng bansa matapos pumasa sa Physicians Licensure Examination nitong Oktubre 2023.
Ang pagsusulit ay isinagawa sa iba’t ibang testing centers sa N.C.R., Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.
Ang mga miyembro ng Board of Medicine na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Dr. Zenaida L. Antonio, chair; at Dr. Godofreda V. Dalmacion, Dr. Eleanor B. Almoro, Dr. Martha O. Nucum, Dr. Efren C. Laxamana, at Dr. Joanna V. Remo, mga miyembro.
Pumalo sa 63.24 percent ang passing rate dahil sa 4,083 ang pumasa mula sa 6,456 na examinees.
Nanguna sa naturang exam si Justin Riley Lam ng Cebu Institute of Medicine, na nakakuha ng 89 percent.
Samantala, nakuha naman naman ng pinakamataas na passing rate ang University of the Philippines – Manila matapos makamit nito ang 97.62 percent — 164 mula sa 168 examinees mula sa nasabing pamantasan ay nakapasa.
Maaaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/15kTBG5fEryO06DQQK2hGBTknffDXNjrR/view.