Jomari2 Larawan: Abby Viduya/Facebook

Abby Viduya nagpatali na kay Jomari

November 8, 2023 People's Tonight 172 views

IKINASAL na ang aktres na si Abby Viduya o mas kilala bilang Priscilla Almeda, sa kanyang long-time partner na si Jomari Yllana sa Las Vegas, noong Nobyembre 5.

Sa Facebook post ng aktres, na may caption, “Viduya-Yllana nuptial 11/5/23,” makikita ang ilang mga larawan sa kanilang intimate and private wedding ceremony na ginanap sa A Little White Chapel.

Suot ng aktres ang isang silk at flowy off-shoulder gown na gawa ng Filipino fashion designer na si Prei Mira.

Si Jomari naman ay super-casual sa kanyang white and black suit completed with a necktie.

Matatandaang, nagkakilala ang dalawa noong 1992, matapos magsama sa palabas na “Guwapings: The First Adventure.” After ng 30 na taon, muling nag-usap ang dalawa taong 2015, at nagkita taong 2019.

AUTHOR PROFILE