Coco Larawan mula sa IG/@johnestrada__

John Estrada kay Coco Martin: ‘My king’

November 2, 2023 People's Tonight 666 views

PARA sa aktor na si John Estrada, hari at kaibigan ang turing niya sa actor-director na si Coco Martin.

Sa Instagram page ni John nitong Miyerkules, Nobyembre 1, ibinahagi niya ang mga larawan nilang dalawa ng “Batang Quiapo” star para sa pagdiriwang nito ng ika-42 kaarawan.

“TO MY KING AND TO MY DEAREST FRIEND,” panimula ni John sa caption ng kanyang post.

Inihayag din ng aktor ang kanyang paghanga kay Coco sa pamamagitan ng paglalahad ng magagandang katangian nito. Para sa kanya ay napaka mapagkumbaba nito bilang artista.

Maniwala po kayo sa akin kapag sinabi ko na ito na ang pinaka, MABAIT, MASIPAG, MATULUNGIN, MAGALANG, MAGALING, MATALINO AT HIGIT SA LAHAT NAPAKA HUMBLE NA SUPERSTAR NGAYON,” paglalarawan niya sa celebrity friend.

Kuwento pa ni John na maraming natutulungan ang actor-director at hiling niya ang kalakasan at kaligtasan nito.

“ANG DASAL KO SA PANGINOON AY YUNG PAG INGATAN KA PARATE, AT BIGYAN KA PARATE NG MALAKAS NA PANGANGATAWAN DAHIL ANG DAMI MONG NATUTULUNGAN,” wika ni John.

“MARAMING MARAMING SALAMAT SA PANINIWALA, AT PAGMAMAHAL MO SA AKIN. HAPPY HAPPY BIRTHDAY CO, I LOVE YOU,” aniya pa.

Magkasama ang dalawa sa action-comedy drama television series na FPJ’s Batang Quiapo kung saan pinagbibidahan ni Coco.

AUTHOR PROFILE