JK

JK, sa ospital nag-Undas

November 2, 2023 Vinia Vivar 299 views

Sa ospital nag-Undas si Juan Karlos “JK” Labajo.

Ipinost ng Ere singer sa Instagram ang larawan niya na nakasuot ng hospital gown at nakuha pa niyang magbiro sa caption na ito ang Halloween costume niya.

“My halloween costume haha happy Halloween,” aniya.

Hindi na idinetalye pa ni JK kung ano ang nangyari sa kanya at na-hospitalize siya pero sa comment section ay pinagpapahinga siya ng kanyang fans dahil hula nila, kaya nagkasakit ang singer ay dahil hindi ito nagpapahinga.

Hopefully ay walang dapat ikabahala ang kanyang fans at abut-abot din ang wish nila na gumaling agad ang singer.

Anyway, kamakailan lang ay gumawa ng history si JK when his hit single Ere became the first Filipino song to reach the Spotify Global Charts Top 100 with 1.45 million streams, placing 87th on the chart.

Gumawa rin ng bagong record sa Spotify Philippines ang singer sa single-day stream for a day with 1.392 million streams surpassing Taylor Swift’s Mine (Taylor’s Version).

NAGSAKRIPISYO

Umiwas nang bongga si Paulo Avelino nang matanong ng entertainment press ang tungkol sa kanyang lovelife.

Maraming fans din kasi na gustong malaman kung kumusta na ba sila ni Janine Gutierrez dahil matagal-tagal na ring walang balita tungkol sa kanila matapos nilang ma-link habang ginagawa ang seryeng Marry Me, Marry You.

Sa thanksgiving mediacon ng Linlang, kung saan ay lead actor si Paulo, nakapanayam namin ang aktor at game siyang sumagot sa mga tanong maliban lang sa kanyang lovelife.

Aliw kami sa aktor na dalawang beses nag-attempt na mag-walk-out sa tuwing matatanong ang tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Kinumusta ng press kung hindi ba malamig ang kanyang Pasko at aniya, “Malamig lagi ang Christmas ko kasi nagki-Christmas lagi ako sa kung saan ako ipinanganak, sa Baguio.”

Nang tanungin kung wala ba siyang special someone na isasama sa Baguio, tila nabingi si Paulo.

“Ha? Alin?”

Anyway, ever since ay malihim naman talaga ang aktor when it comes to his private life.

Samantala, puring-puri ng netizens ang kahusayan ni Paulo sa kanyang portrayal bilang Victor at awang-awa talaga ang viewers sa kanyang karakter na niloloko ng asawa (played by Kim Chiu).

In fairness sa aktor, talaga namang sobrang focused niya sa kanyang karakter sa Linlang to the point na marami siyang tinanggihang proyekto habang ginagawa ito.

“Kinailangan talagang i-sacfifice ang ibang projects dahil hindi angkop sa look ko sa Linlang and nagtataka nga ang ibang tao na parang nagpabaya raw ako pero it was only to prepare for Linlang.

“So, kumbaga, ‘yung dedication ko na ibinigay sa proyektong ito, binigay ko talaga. Hindi ako tumanggap ng ibang proyekto para matutukan ko ‘to.

“At the same time, ang dami ko ring disiplina na in-instill sa sarili ko para ma-achieve ‘yung sa tingin ko na makakatulong sa show in terms of believability,” pahayag pa ni Paulo.

AUTHOR PROFILE