Kimxi

Kim at Xian, ’di hiwalay

November 1, 2023 Vinia Vivar 688 views

Itinanggi ni Kim Chiu ang mga naglalabasang ispekulasyon na break na sila ni Xian Lim dahil lately ay hindi sila nakikitang magkasama.

“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo,” natatawang sabi ni Kim sa thanksgiving presscon ng Linlang.

“Okay naman kami ni Xi, opo,” paglilinaw niya.

“Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya,” aniya pa.

Natanong din namin si Kim tungkol sa naging pagbisita niya kay Kris Aquino sa US at aniya ay labis siya talagang nasiyahan.

“Sobra po talaga akong nasiyanan. Una, nahiya talaga akong puntahan siya kasi baka nagki-chemo siya and then, kailangan ng test, bawal puntahan. Ayokong kulitin siya kasi ‘pag tinext ko talaga siya na pupunta ako, gagawa siya ng paraan.

“Kaya kinamusta ko muna kay Sir Mark (Leviste) and then si Sir Mark na ‘yung gumawa ng paraan na ‘pumunta ka, okay siya, ang check-up namin sa hapon na. So, naging smooth ‘yung pagkikita namin and then, may kwarto na ‘ko do’n sa bahay nila,” kwento ni Kim.

Naiyak siya nang makita niya ang kanyang Ate Kris. Hopefully ay makabalik daw siya next year.

Mas okay na raw si Kris ngayon at sana ay magtuluy-tuloy na ito.

Anyway, masayang-masaya si Kim sa phenomenal success ng Linlang na napapanood sa Prime. Saan man siya magpunta ay Juliana, name ng karakter niya, ang tawag sa kanya.

Bagama’t napakaraming naiinis sa kanya dahil sa kanyang karakter at talagang bina-bash siya ng viewers, ikinatutuwa at ikinakikilig ito ni Kim.

Biro niya, ito ang bashers na gusto niya.

AUTHOR PROFILE