
Jake Cuenca kay Chie Filomeno: ‘Nag-shave na po ako’
“SA wakas” ang nasabi ng former member ng girl group na GirlTrends at aktres na si Chie Filomeno sa aktor na si Jake Cuenca matapos nitong mag-ahit.
Sa kanyang Instagram page nitong Sabado, Oktubre 28, ibinandera ni Jake ang kanyang “new look” matapos siyang dumalo sa isang motorcycle road racing event.
Makikita sa mga larawan na wala na sa kanyang mukha ang iconic na bigote ng aktor.
Napa-comment naman ang “A Very Good Girl” star sa larawan ni Jake at sa kanyang ahit na bigote.
“Finally! No more (man with beard emoji) HAHAHAHA,” sey ni Chie.
Humirit naman ang aktor sa comment ni Chie at nagtanong kung pwede na ba itong leading man niya dahil nag-ahit na siya.
“Pwede na ba audition bilang leading man mo nag shave no po ako,” pahayag ni Jake.
Matatandaang kamakailan ay inamin ni Jake sa isang panayam na si Chie Filomeno ang kanyang “the one that got away” o TOTGA.
“In so many ways, she’s kinda like the one that got away for me… Kasi we dated na before. a long time ago. She was in Showtime already, she was already dancing in Showtime. But then… nahintulot the first time. For me, given the second time around… I don’t wanna do that two times, I don’t wanna let her go two times,” wika ng aktor.