JLC Larawan mula sa IG/@johnlloydcruz83

John Lloyd sa anak nila ni Ellen: ‘Niligtas niya buhay ko’

October 25, 2023 People's Tonight 531 views

TAGAPAGLIGTAS ang turing ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz para sa anak nilang si Elias ng aktres na si Ellen Adarna.

Sa episode nitong Martes, Oktubre 24, ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, naikuwento ng aktor kung ano ang naging role ni Elias nang dumating ito sa kanyang buhay.

Napag-usapan kasi nila ni Tito Boy kung ano ang nagpapasaya kay John Lloyd at doon naipasok ang anak nila ni Ellen na si Elias.

“What makes you happy as a person?” saad ng King of Talk.

“Ano na lang, laki na nang sinimple ng [buhay ko],” sagot naman ng aktor.

“No but may mga bago rin. Elias, ‘di ba? Nakikita ko ang litrato ng bata, that’s priceless. Kumusta kayo [ni Elias]?” pagtatanong muli ng host.

Inamin ni John Lloyd na iniligtas ni Elias ang buhay niya at hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay kung hindi ito dumating. May mga itinuro raw kasing mga bagong bagay ang anak niya sa kanya.

“Sobrang panalo. Napakaswerte ko diyan. Anlupit nung naging role niya eh sa buhay ko nung dumating na sya. ‘Yun talaga ‘yung ‘wow’,” wika ni Lloydie.

“Siguro ‘yung pinakasimpleng mapapaliwang ko siya is, si Elias, parang niligtas niya ‘yung buhay ko,” pagpapatuloy ng aktor.

“‘Di ko ma-imagine ‘yung buhay ko, kung pa’no magtutuloy kung hindi dumating ‘yan. Andami niyang binigay na bago. Bagong kahulugan, bagong duties. All of a sudden, iba na ‘yung tingin mo sa lahat,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE