Jinkee

Jinkee, pinuri ni Ogie sa pagtanggap kay Emman

October 24, 2023 Vinia Vivar 421 views

Mukhang tanggap naman daw ni Jinkee Pacquiao ang sinasabing love child ng mister niyang si boxing champion and former Senator Manny Pacquaio na si Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao, 19 years old at isa na ring boksingero.

Marami na ngang larawan ni Emman (tawag kay Emmanuel) na naglabasan kung saan kasama niya ang alleged father niyang si Manny.

Sa vlog ni Ogie Diaz, isa nga ito sa mga napag-usapan at aniya, sa tingin niya ay tanggap ni Jinkee ang bata.

“I think so. Kasi may picture si Emman at si Manny Pacquiao na magkasama. So, kung itinatago naman ni Manny ‘yun, hindi siya magpapa-picture. At hindi siya makikipagkita siguro, ‘di ba? At hindi niya dadalawin ang anak niya na nag-eensayo ng boxing,” sey ni Ogie.

May photo nga rin kasing lumabas na makikitang nasa isang boxing gym sina Manny at Emman.

Tila si Pacman pa ang nagti-train sa anak.

Sey pa ni Mama Ogs, aware diumano si Jinkee na may anak ang mister niya sa ibang babae.

“At nakakatuwa si Jinkee dahil according to my source na kaibigan namin ni Jinkee, common friend namin ni Jinkee, sinabi raw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na ‘go ahead, suportahan mo ‘yan kasi anak mo ‘yan,’” kwento ni Ogie.

Pinuri nga ng talent manager/vlogger ang magandang attitude na ito ni Jinkee.

Samantala, si Emman ay anak ni Joanna Rose Bacosa na diumano ay humihiling noon ng child support kay Manny taong 2006 at 2011.

Kaya hindi na rin bago sa iba ang issue na may anak si Pacman sa ibang babae.

Nitong nakaraang Setyembre ay pinasok na ni Emman ang mundo ng professional boxing at lumaban sa “Blow by Blow” event promoted by Manny.

Bukas ang People’s Tonight para sa panig o anumang pahayag ng mag-asawang Manny and Jinkee tungkol dito.

AUTHOR PROFILE