Dennis

Dennis at Jennylyn, masaya sa modern blended family set-up

October 18, 2023 Vinia Vivar 381 views

Kabilang ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mga modern blended family na common na ngayon sa society.

As we all know, may kanya-kanyang anak sina Dennis at Jennylyn sa previous relationships at maayos ang kanilang set-up.

Ayon kay Jen, parang tunay na anak din ang turing niya sa anak ni Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix.

“Blended family kami pero hindi namin iniisip as a family na galing sa iba’t ibang family. Kumbaga, nasa isip namin… ako, tini-treat ko si Calix as my own,” sey ni Jen sa panayam niya sa Kapuso Showbiz News.

Ganu’n din daw si Dennis sa panganay niyang si Jazz.

“Normal. Kung paano kami magpalaki ng anak, ganu’n. Pantay-pantay. Normal. Wala kaming… kahit sa back ng head namin, walang… hindi namin iniisip na sa ibang family galing or ano.

“Basta kami, kumpleto. Masaya kami na magkakasama. Napapalaki namin ‘yung mga bata nang maayos. ‘Yun naman ‘yung importante. Masaya, buo,” sey pa ni Jen.

As we all know, may sarili na ring anak sina Dennis at Jen, si Dylan, na ipinanganak ng aktres noong 2022.

Matatandaang ikinasal sina Jen and Den noong 2021.

AUTHOR PROFILE