
Kim, natigalgal sa sampal ni Marya
Aminado si Kim Chiu na talagang natigalgal siya sa sampal sa kanya ni Maricel Soriano sa bago nilang teleseryeng Linlang.
Actually, ang nasabing sampalan scene nga ang isa sa mga inaaabangan sa nasabing serye dahil kilala si Marya na malakas sumampal at talagang tinutotoo.
“Sobra po akong natigalgal,” natatawang sey ni Kim sa screening at mediacon na ginanap kahapon, Sept. 2.
Natigalgal daw siya hindi lang dahil sa lakas ng sampal kundi dahil natupad na ang pangarap niya na masampal ng nag-iisang Diamond Star.
“Siyempe, pangarap ng isang artista na masampal (ni Marya). Bucket list namin ‘yun. Bucket list checked. Ang lala!” aniya.
“Kaya abangan n’yo po, isa po ‘yung sa eksenang dapat panoorin kasi talagang baseball. Charot lang!” dagdag pa ni Kim.
Ayon pa sa aktres, sobrang thankful siya na nakatrabaho niya ang isang Maricel Soriano although habang ginagawa nga niya ang eksena ay talagang kinakabahan siya.
“Habang ginagawa ko ‘yung eksena, kinakabahan ako. Habang pinapanood ko ‘yung eksena na ‘yun, mas kinabahan ako para sa role ni Juliana (her character).
“So, ang galing lang na makatrabaho ang isang Maricel Soriano na ang tagal-tagal na sa industriya pero sobrang down to earth and very accommodating to help ‘yung mga artistang tulad namin,” she said.
Bale ba, bago kunan ang sampalan scene nila ay binigyan pa siya ng gamot ni Maricel para sa pamamaga ng mukha.
Nang matapos nilang gawin ang scene, saka lang niya na-realize kung bakit siya binigyan nito ni Marya.
Pero sey ni Kimmy, hindi naman namaga ang mukha niya.
Paliwanag naman ni Marya, hindi naman pwede talagang i-fake ‘yung eksena dahil nga galit na galit ang karakter niya kay Juliana dahil tinuhog nito ang mga anak niya (na ginagampanan nina Paulo Avelino at JM de Guzman).
Linlang will be available worldwide on the Prime streaming app starting Oct. 5.
Kasama rin sa serye sina Jake Ejercito, Ruby Ruiz at marami pang iba mula sa direksyon nina FM Reyes at Jojo Saguin.