Lovi Larawan: Lovi Poe/IG

Lovi, Monty naglandian sa IG

September 20, 2023 People's Tonight 509 views

KINAKIKILIGAN ngayon ng netizens ang bagong kasal na sina Lovi Poe at Monty Blencowe matapos maglandian sa Instagram.

“Wild. This journey has officially begun. It’s my first time doing arnis training…definitely something I’ll be getting into,” caption ng aktres kasama ang video ng kanyang pagpa-practice ng arnis.

“This is a good reminder to not upset you,” komento naman ng British film producer sa Instagram post ng aktres Martes, Setyembre 19.

Hindi lang ito ang unang beses na nagpakilig ang dalawa. Matatandaang humirit din si Monty sa larawan ng aktres kasama ang heartthrob aktor na si Piolo Pascual. “Dito lang pala kita sa Milan matatagpuan, Jacob,” sey ni Lovi. “I’m here too you know,” komento naman ni Monty.

AUTHOR PROFILE