Default Thumbnail

Kayod-kalabaw ang mga taga-BOC!

September 13, 2023 Vic Reyes 350 views

Vic ReyesKAGAYA ng ibang bansang sinalanta ng dalawang taong coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ang Pilipinas ngayon ay “on the way to economic recovery.”

Pero sa totoo lang, kailangan natin ang sapat na pondo para tustusan ang iba’t ibang economic recovery programs ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbongr” R. Marcos Jr.

Dito malaki ang papel na ginagampanan ng revenue-generating government agencies, partikular na ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sunod sa BIR, ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac City, Ilocos Norte, ang siyang pangalawang pinakamalaking tax generator ng gobyerno.

Sa katunayan, ang assigned tax take ng BOC sa taong ito (2023) ay mahigit na P900 bilyon, na ayon sa waterfront observers, ay kayang lampasan ng nasabing ahensya.

Kaya nga “kayod-kalabaw” ang ginagawa ng mga taga-BOC, kasama na ang mga maliliit na empleyado, para lang makatulong sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya.

Nandiyan ang pinaigting na kampanya sa iligal na pagpasok ng imported goods sa bansa, lalong-lalo na ang mga ipinagbabawal na droga at produktong agrikultura.

Pero sadyang mahirap ang laban sa ismagling dahil sa haba ng coastlines ng bansa at dami ng isla na puwedeng gamitin ng mgs ismagler para sa kanilang nefarious activities.

Sa tulong ng partner-agencies, na kagaya ng Phtilippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN), ay sinisikap ng mga taga-BOC na labanan ang ismagling.

At hindi matatawaran ang “achievements” ng BOC sa larangang ito. Kitang-kita naman sa dami ng mga nasasakoteng kontrabando sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.

Hindi lang ‘yan. Maraming pinagsususpetsahang ismagler ay nakasuhan na sa Department of Justice.

Dahil tayo’y nasa ilalim ng demokrasya, kailangang dumaan sa due process ang paghabol sa mga ismagler at sa kanilang mga kasapakat sa gobyerno.

Naniniwala tayo na magtatagumpay ngayon ang kampanya ng gobyerno, sa pangunguna ng BOC, laban sa ismagling at ibang katarantaduhan sa aduana.

Ang kailangan lang ay suporta ng taumbayan dahil ibang kalaban ang mga ismagler.

Hindi ba, Pangulong Bongbong Marcos, Finance Secretary Benjamin Diokno at BOC Commissioner Bien Rubio?

***

Mukhang maraming kandidato sa darating na October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang natatakot ngayon sa Commission on Elections (Comelec).

Pero tama lang ang ginagawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na paghabol sa mga kandidatong namimili ng boto at botanteng nagbebenta ng boto.

Pati ang mga kandidatong maagang nangangampanya, vote-buying, vote-selling at premature campaign ay bawal sa ating bansa.

Huwag natin kalimutan na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang korapsyon at pagnanakaw sa gobyerno, lalo na sa local government units, ay dahil sa mga tiwaling lingkod bayan.

Paano babawiin ng mga nanalong kandidato sa pamamagitan ng pamimili ng boto ang kanilang ginastos?

Hindi kaya nila pag-interesan ang pera ni Juan dela Cruz kapag nasa puwesto na sila?

Lalo na kung inutang lang nila ang perang ginamit sa pamimili ng boto.

Kayo na ang bahalang sumagot diyan!

***

Kung walang importador, kasama ng kanilang customs brokers, eh ano ang gagawin ng Bureau of Customs (BOC) sa ports of entry sa buong bansa?

Kaya nga dapat ay ituring ng gobyerno na “partners in nation-building” ang mga importer at customs broker.

Sa ibang salita, dapat tingnang mabuti ng gobyerno, sa pamamagitan ng BOC, ang kalagayan ng mga tao at grupo na nagbibigay ng pera sa kaban ng bayan.

Kung maaari nga lang ay ituring silang espesyal na sektor ng lipunan dahil sa kanilang napakarami at mahalagang kontribusyon sa paglago ng ating ekonomiya.

Ang gusto lang nila, lalo na ang mga small-time importers at brokers, ay hindi special treatment kundi patas na labanan para naman kumita sila para sa kanilang mga pamilya.

Sa totoo lang, itong mga minor players sa aduana ay hirap na hirap na kumita dahil aminado tayong nakalalamang ang mga big-time stakeholders.

‘Yan ay ang katotohanan sa waterfront na puwede namang bigyang solusyong ng gobyerno.

Tama ba kami, mga bossing diyan sa “corridors of power”?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pnagalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE