Rufa Larawan mula sa Instagram/@rufamaequinto

Rufa Mae ibinuking saan galing Go, go go, Todo na to!

September 9, 2023 People's Tonight 473 views

ISINIWALAT ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto ang mga kuwento sa likod ng kanyang signature funny lines tulad ng “Go, go, go!” at “Todo na ‘to!”

Sa episode nitong Biyernes, Setyembre 8 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, pinaliwanag ng aktres kung paano nagsimula ang kanyang mga iconic lines.

Naimbento ni Rufa Mae ang “Go, go, go! Fight, fight, fight!” na linya dahil umano sa napagdaanang hirap sa buhay at kung paanong mas ninais niyang ipagpatuloy ito.

“Go, go, go! Kasi parang in life nga, kailangan mo na lang itawid, ituloy mo lang kung ano ‘yan,” pahayag ng komedyante.

“Basta alam mong naniniwala kang maganda ito, tama ito, feel mo ‘to — go, go go! Fight, fight, fight! ‘Wag tayong tumigil, parang ganun,” dagdag pa ni Rufa Mae.

Kuwento naman ng “Comedy Island” star na ang pinanggalingan naman ng kanyang linya na “Todo na ‘to!” ay may kinalaman sa kanyang work ethics. Sinasabi niya raw ito upang kumbinsihin ang mga katrabaho na kumilos agad upang mabilis na matapos ang kanilang trabaho.

“Minsan sa set… ‘yung iba natutulog na sa gitna ng shooting… parang gusto kong bilisan or kilos na tayo para matapos na, makauwi na. In short, todo na ‘to, mga ‘tol!” wika ng komedyante.

“Parang hindi ka nagagalit, parang cute lang, para walang magsasabi attitude ka,” saad pa ni Rufa Mae.

AUTHOR PROFILE