
No collection sa public schools hiling ni Sen. Tulfo
NAGPANUKALA si Sen. Raffy Tulfo ng batas na nagbabawal sa mandatoryong pagkolekta ng anumang bayad o kontribusyon mula sa mga estuyante sa pampublikong paaralan.
Sa paghahain ng Senate Bill (SB) No. 2420, iginiit ni Tulfo na ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan ay mula sa mga pinakamahihirap na pamilya at maaaring panghinaan lang sila ng loob na ituloy ang kanilang edukasyon kapag nagpataw pa ng karagdagang bayarin para sa kanila.
“By implementing a no-collection policy in public schools, this bill seeks to eliminate the barriers that hinder the enrollment and retention of students,” saad ni Tulfo.
“Families with limited financial means will no longer face out-of-pocket costs associated with sending their children to school, thus promoting inclusivity and equal opportunities in education,” dagdag niya.
Sa ilalim ng SB No. 2420, hindi maaaring kumolekta ng bayad mula sa mga mag-aaral na nag-eenrol sa pre-school hanggang Grade IV, sa enrollment period at buong school year.
Para sa mga lampas Grade IV, walang anumang koleksyon ang dapat gawin sa panahon ng enrollment at unang buwan ng mga klase.
Simula sa ikalawang buwan, ang mga kontribusyon para sa ilang membership lamang ang maaaring kolektahin, ngunit boluntaryo lamang at hindi dapat hilingin.
Kabilang dito ang mga boy/girl scouts at red cross membership.
Umaayon ng panukalang batas ni Sen. Idol sa pangako ng bansa sa pagkamit ng Education For All (EFA) Plan 2015 at ang Millennium Development Goals (MDGs).