Default Thumbnail

“Remarkable achievements” ng BOC-XIP

September 3, 2023 Vic Reyes 512 views

Vic ReyesMALAKING papel ang ginagampanan ng mga X-Ray machines para masakote ang iba’t ibang kontrabando, na kagaya ng illegal drugs, na nakatago sa mga parating at paalis na shipment.

Kaya nga ang isa sa priority programs ng Bureau of Customs (BOC) ay ang pag-upgrade ng mga kagamitan ng “X-ray Inspection Project (XIP),” isang dibisyon sa ilalim ng Intelligence Group (IG).

Ang powerful na Intelligence Group ng ahensya ay pinamuminuan ni Deputy Commissioner Juvymax Uy.

Hindi lang ‘yan. Lagi ding nagrere-training ang mga personnel ng XIP, na pinamumunuan ngayon ni Collector Carmelita “Mimel” C. Manahan-Talusan.

Kaya nga hindi na nagtataka si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio kung bakit “successful” ang BOC-XIP sa pagsakote sa mga kontrabando na nakatago sa mga shipment.

Ayon sa isang pahayag, “The BOC has reported remarkable achievements through its X-ray Inspection Project.”

Dagdag ng BOC: “The XIP has consistently demonstrated its commitment in safgeguarding the nation through diligent monitoring and non-intrusive inspections of shipments entering ports nationwide.”

Sa tulong ng XIP ay nakasakote ang BOC ng mga iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit na P1 bilyon sa unang walong buwan ng kasalukuyang taon (Enero-Agosto).

Marami ang naniniwala na lalo pang gaganda ang performance ng XIP sa nalalabing apat na buwan ng 2023.

Ito ay dahil sa buong suporta at guidance nina Commissioner Rubio at Depcom Uy.

****

Sa Mindanao naman ay mga puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga operatiba ng Sub-Port of General Santos noong Agosto 29.

Ang mga nakumpiskang 14,950 reams ng sigarilyo at isang Isuzu closed van ay nagkakahalaga ng mahigit na P7.8 milyon.

Ang anti-smuggling operation ay isinagawa ng sub-port sa tulong ng CIIS, ESS, 1st Company South Cotabato Provincial Mobile Force, Provincial Intelligence Unit at Tantangan Municipal Police Station.

Nangyari ito sa Barangay New Cuyapo, Tangtangan, South Cotabato, ayon sa report ng BOC.

Ayon kay Port of Davao District Collector Maritess Martin, ang mga tauhan niya sub-ports ay “dedicated in intensifying their efforts to fight smuggling activities.”

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Commissioner Rubio na lalong paigtingin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng ismagling.

Kailangang matigil ang ismagling para lumaki ang revenue collection ng ahensya na kailangang-kailangan natin para mapondohan ang maraming programa ng administrasyong Marcos.

Hindi lang ‘yan. Hangga’t nandyan ang ismagling ng mga produktong agrikultura ay mananatiling kawawa ang mga magsasaka at mangingisda natin.

Mas bibilhin ng publiko ang mga puslit na produkto dahil mas mura ang mga ito.

***

Nagsimula na naman ang klase ng mga bata sa mga pampublikong paaralan.

Ang ibig sabihin nito ay problemado na naman ang mga magulang, lalo na ang mga walang trabaho at mga pa-sideline-sideline lang ang trabaho.

Hindi lang bigas ang tumataas ang presyo. Halos lahat ng bilihin, kabilang na ang mga gulay at isda.

Pati pamasahe. Talagang hirap na ang marami nating kababayan dahil sa kagagawan ng mga walang pusong negosyante na naglipana sa maraming lugar.

Hindi kasalanan ito ng gobyerno nasyonal dahil alam natin na ayaw ni Pangulong Marcos na nahihirapan ang taumbayan.

Ang problema ay sa local government units (LGUs) dahil may mga lingkod-bayan tayong walang ginawa kundi protektahan ang kanilang mga interest.

Tama ba kami, Senador Imee Marcos at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE