
Maris Racal nagpatayo ng coffee shop
IFINLEX ng aktres na si Maris Racal ang kanyang bagong ipinatayong coffee shop sa La Union.
“Ma, may coffee shop na ako,” caption ni Maris sa kanyang Instagram post.
“I hope you guys support my first ever business venture! Located at @portsanjuan, La Union,” dagdag pa ng aktres.
Makikita ang magandang disenyo ng shop ng aktres maging ang ambiance sa loob sosyal at bagay lalong-lalo na sa mga Gen Z.
Stream of Consciousness o SOC ang ipinangalan ng aktres sa kanyang bagong negosyo. Masaya naman ang ilang celebrity sa naging unang business ni Maris, kaya bumuhos ang pagbati nila para sa aktres.