BBM2

Electric vehicle production ng bansa palalakasin—PBBM

August 18, 2023 People's Tonight 675 views

Sa pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor, kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalakas ang produksyon ng electric vehicle (EV) sa bansa.

Sa ikaapat na pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Job Sector Groups sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay nagiging bahagi na ng global chain ng mga EV dahil sa potensyal ng industriya nito.

Inamin naman ng Pangulo na ang pagnanais ng mga konsumer na gumamit ng green energy ay isang hamon sa EV industry.

Upang matugunan ang hamong ito, sinabi ni Pangulong Marcos na kakailanganing magtulungan ang pribado at pampublikong sektor.

Kasama sa pagpupulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin; Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Finance Secretary Benjamin Diokno; Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual; Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority; Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile; Secretary Alfredo Lagdameo, Special Assistant to the President; Presidential Adviser Frederick Go, special adviser on investment and economic affairs; Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera III; Senior Undersecretary Domingo Panganiban of the Department of Agriculture; at Administrator Hernani Fabia ng Maritime Industry Authority.

Ang mga kumakatawan naman sa pribadong sektor ay sina Sabin M. Aboitiz ng Aboitiz Equity Ventures Inc., Joey Concepcion III ng RFM Corp., Alfredo Ayala ng AC Education Inc., Rizalina Mantaring ng Ayala Corp., Kevin Tan Alliance Global Inc., Doris Magsaysay-Ho ng Magsaysay Group of Companies; Teresita T. Sy-Coson ng SM Investments Corp.; at Anthony Oundijan ng Boston Consulting Group.

AUTHOR PROFILE