De Vega

1 Pinoy patay sa wildfire sa Hawaii, 66 apektado — DFA

August 18, 2023 People's Tonight 262 views

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs noong Biyernes na isang Filipino ang kinumpirmang nasawa sa wildfires sa Hawaii.

Sa ulat ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega, kinilala ang biktima na si Alfredo Galinato.

“He was a naturalized US citizen from Ilocos. We are assisting the family,” pahayag ni De Vega.

Saad pa ng undersecretary na mayroon pang 66 na mga Pinoy sa Maui ang apektado ng wildfires at kasalukuyan tinutulungan ng Philippine Consul General sa Honolulu.

Hindi bababa sa 110 katao na ang nasawi sa itinuturing na “deadliest wildfire” sa US sa nagdaang dekada.

Nag-abiso ang mga opisyal na maaari pang tumaas ang bilang ng biktima habang patuloy ang isinasagawang paghahanap.

AUTHOR PROFILE