Bong

Bong pagkatapos ng TV series, gagawa ng pelikula kasama si Jillian

August 18, 2023 Aster Amoyo 324 views

Bong1MASAYA ang actor-producer at senador na si Ramon `Bong’ Revilla, Jr. dahil magtatapos ang unang season ng kanyang weekly sitcom on GMA, ang “Walang Matigas na Pulis saMatinik na Misis” ngayong Linggo, August 20 at 7:15 p.m. na consistently mataas ang ratings.

Magpapahinga lamang ang nasabing sitcom sa loob ng isang season to give way sa bagong reality singing competition ng Kapuso network, ang “The Voice Generations” which will premiere on August 27. At pagkatapos nito ay mapapanood na ang second season ng sitcom.

During his intimate lunch get-together with his friends from the entertainment media, may nag-suggest kay Sen. Bong na ibalik ang tambalan nila ng kanyang misis na si Rep. Lani Mercado na tiyak na papatok sa mga manonood tulad ng kanilang 1994 hit movie of same title kung saan din tampok sina Plinky Recto, Jimmy Santos at iba pa mula sa direksyon ni Danilo Cabreira.

Since pahinga muna ang taping ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” may nakatakdang gawing pelikula si Sen. Bong kasama ang Kapuso teen-star na si Jillian Ward na may tentative title na ‘Lagot Ka sa Tatay Ko.’

Bukod sa pagtatapos ng unang season ng kanyang weekly sitcom sa GMA, pinaghahandaan na rin ang 50th anniversary celebrations ng actor-politician kung saan nakatakdang pagsama-samahin ang mga stars and talents ng Kapuso at Kapamilya networks.

Sen. Bong was only seven years old when he was launched as a child actor in the 1973 movie ng kanyang ama, the late actor-producer and senator nasi Ramon Revilla, Sr., ang “Tiagong Akyat” produced ng Imus Productions. He is turning 57 on September 25, isa pang mahalagang okasyon na tiyak na paghahandaan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sa kabila ng maraming matitinding pagsubok na pinagdaanan ni Sen. Bong, he is grateful to God dahil sa mga blessings na patuloy na dumarating sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa anim nilang mga anak ng wife niyang si Lani, may isa na siyang lawyer, si Atty. Inah Bautista-del Rosario at nagtapos na rin ng medicine ang kanilang bunsong anak na babae na si Loudette Bautista at hihintayin na lamang ang pagpasa nito sa board para ito’y maging ganap na doktora. Ang dalawa nilang elder sons na sina Bryan at Jolo maging ang kanilang bunsong si Ram ay pare-parehong public servants na rin tulad nilang mag-asawa.

Bryan is serving as Agimat party-list representative, Jolo as congressman representing the 1st district of Cavite at kinatawan naman ng ikalawang distrito ng Cavite ang kanilang inang si Lani.

Samantala, excited ang mag-asawang Sen. Bong at Rep. Lani na magkakaapo na rin sila sa wakas sa kanilang second eldest son na si Jolo at misis nitong si Angel Alita-Bautista after four years of being together.

Kahit maagang nag-asawa ang kanilang panganay na babae na si Inah who was only 18 then, tinapos nito ang kanyang pag-aaral ng abogasya habang successful young businessman naman ang mister nito na si Vince.

Sa anim na anak ng mag-asawang Sen. Bong and Rep. Lani, tatlo na rito ang may asawa, sina Jolo, Inah at Gianna.

Angie Ferro namaalam na

AngieAngie1PUMANAW na ang veteran actress na si Angie Fiero dahil sa iba’t ibang kumplikasyon sa edad na 86.

Nung nakaraang May 2023 ay hindi na nakadalo ang award-winning actress sa premiere night ng kanyang last movie, “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” dahil sa health issues.

Si Angie ay isinilang nung August 4, 1937sa Baleno, Masbate. She has made more or less 80 movies and TV series.

Siya ang tinanghal na Best Actress sa 2019 Pista ng Pelkulang Pilipino para sa pelikulang “Lola Igna” habang ang huli niyang pelikulang ginawa ay ang “Mga Kaibigan ni Mama Susan” na pinagbidahan ni Joshua Garcia and produced ng Regal Entertainmment.

Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa include “Santiago” in 1970, “Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak” in 1978, “Isla,” “Moonlight Over Baler,” “Birdshot,” “Etiquette for Mistresses,” “Someone To Watch Over Me,” “The Acky Breaky Heart,” “Lumuha Pati mga Anghel” at marami pang iba.

Gazini sobrang saya nang makilala ang ama

GaziniAMINADO ang 2019 Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados na hindi man niya nasungkit ang 2019 Miss Universe crown at pumasok lamang siya sa Top 20 at panalo bilang Best in National Gown, daig pa umano niya ang nanalo ng korona nang sorpresa niyang makita at makilala ang kanyang biological Palestinian father pagkatapos ng competition ng Miss Universe sa Atlanta, Georgia.

Ayon sa dating beauty queen, dumating umano sa Pilipinas at pinuntahan umano siya sa Cebu ng kanyang ama.

It was an answered prayer for Gazini na walang idea about her biological father liban sa mga litratong naka-display pa sa kanilang bahay.

Kahit naghintay si Gazini ng 25 years bago niya nasilayan ang ama, wala umano siyang hinanakit dito.

Umiiyak na nagyakapan ang mag-ama nang sila’y magkita. Although hindi pa nasusundan ang kanilang pagkikita, constant na umano ang kanilang communication at nagbabalak din si Gazini na dalawin ang ama and his family kung saan siya merong younger half siblings.

Tulad ng ibang beauty queens na pumasok ng showbiz, ito rin ang direksyon ni Gazini na may tinapos nang pelikula opposite Isko Moreno na nakatakda umanong ipalabas sa buwan ng December.

Isa sa gusting makaparehani Gazini ay si Piolo Pascual gayundin si Jericho Rosales.

“Pangarap ko lang siyempre. Hindi naman ako ang masusunod kung sino ang gusto kongmakatrabaho. But given the opportunity, gusto silang dalawa maging leading man,” naaaliw na pahayag ng dating beauty queen na ang taas ay 5’10”.

Thankful naman si Gazini sa kanyang mother na nagsilbing ina’t ama sa kanya in her growing up years sa tulong ng kanyang late maternal grandparents.

“Negosyante ang Mama ko,” aniya.

“There were times noon na lumuluwas kami ng Maynila, sumasakay ng barko, natutulog sa pier at namimili sa Divisoria para itindasa amin,” pagbabalik-tanaw pa niya.

Gazini is into various sports since she was young hanggang paglaki niya at pumapasok umano siya sa school na naka-bike.

Marami umano siyang natutunan magmula nang magsimula siya bilang model and eventually sa pagasali sa beauty pageants. Bukod sa pakikisalamuha sa iba’t ibangtao, na-develop umano ang kanyang self confidence.

Jennylyn balik-trabaho pero binabalanse sa pamilya

JennylynJennylyn1FIFTEEN years old na ang panganay na anak ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia na may sarili na ring pamilya ngayon, ang kanyang wife nasi Nikka Martinez at meron na rin silang apat na anak.

Jennylyn is now married sa kanyang kapwa Kapuso actor na si Dennis Trillo na meron ding 16-year-old son sa ex-girlfriend nito, ang dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar na may sarili na ring pamilya.

Modern or blended family na maituturing ang pamilya ng mag-asawang Dennis at Jennylyn who got married on civil wedding rites nung November 15, 2021 na sinundan ng pagsilang ng kanilang first baby na Dylan Jade.

Aminado si Jennylyn nakatutok umano siya ngayon bilang wife (to Dennis) at ina sa kanilang anak na si Dylan maging kina Alex Jazz at Calix. Ang ikinatutuwa ng Kapuso singer-actress ay very close umano sina Alex Jazz at Calix na animo’y tunay na magkapatid at parehong big brothers sa kanilang baby sister na si Dylan.

Ngayong more than one-year old na si Dylan ay balik na rin si Jennylyn sa trabaho but makes it a point na bina-balanse niya ito sa kanyang pamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE