PRC Photo: PRC Board

3,982 examinees pumasa sa MedTech Board Exam

August 18, 2023 People's Tonight 302 views

AYON sa Professional Regulation Commission (PRC), 3,982 mula sa 5,401 mga examinee ang matagumpay na pumasa sa Medical Technologists Licensure Examination Agosto ngayong taon.

Dahil dito, pumalo sa 73.73 percent ang passing rate ng nasabing licensure exam.

Sa mga inilabas na resulta ng PRC, si San Jeffrey Bitao Tiongco, mula sa Saint Louis University (SLU), ang nanguna bilang topnotcher na may iskor na 93.30 percent.

Nakakuha rin ng 100 percent na passing rate ang SLU, matapos pumasa sa naturang board exam ang 152 examinees mula sa unibersidad.

Samantala, nag-dominante naman ang University of Santo Tomas sa top 10 matapos makuha nito ang spots 2nd, 3rd, 6th, 7th, 8th, 9th, at 10th mula sa 10 examinees.

Naganap ang licensure examination mula Agosto 12-13 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

AUTHOR PROFILE