Default Thumbnail

Trak vs AUV: 5 patay

August 17, 2023 Zaida I. Delos Reyes 424 views

LIMA ang namatay sa banggan ng trak at AUV sa San Ildefonso, Bulacan.

Nakilala ang mga nasawi na sin Nelson Magundayao, Arlene Sipcon, Crispin Garcia, Crisanto Garcia at Christopher Lachica.

Batay sa report ng PNP, naganap ang aksidente sa Maharlika highway sa nasabing probinsya.

Minamaniobra ng driver ang trak papunta sa gasoline station nang mag-overtake ang isa pang trak kaya nabangga nito ang AUV na nasa kabilang linya.

Nakaladkad ng ilang metro ang AUV hanggang tumama ang dalawang sasakyan sa tatlong poste.

Nagtamo ng matinding pinsala ang AUV sa lakas ng impact ng banggaan na nagresulta sa pagkasawi ng lima sa anim na pasahero nito.

Ayon sa driver ng trak na si Aurelio Bartikil, hindi siya nakapaga-maniobra sa tamang daan dahil sa bigat ng kanyang kargada.

Isinailalim na sa inquest proceeding ang driver ng trak.