Lightning

Mangingisda naprito ng buhay sa kidlat

August 17, 2023 People's Tonight 412 views

ISANG mangingisda ang natusta matapos tamaan ng kidlat habang nangunguha ng shells sa Pitogo, Quezon.

Base sa kuwento ng isang saksi, bigla na lang umulan at sinabayan pa ng malalaking kidlat at malalakas na kulog dakong alas-4:00 ng hapon habang nangunguha ang biktima ng shells sa Barangay Ibabang Soliyao, Pitogo, Quezon Province.

Ayon pa sa saksi, isang mala bolang apoy ang tumama sa biktima sa bahaging iyong Tayabas bay.

Pero nang makauwi na ang saksi nang napag-alaman na hindi pa nakakauwi ang biktima kaya’t agad nilang binalikan sa dalampasigan kasama ang mga kaanak nito.

Noon na nila nalaman na ang biktima ang tinamaan ng kidlat na kinilalang si Jordan Batralo, 52, ng Bgy. Ibabang Soliyao, Pitogo, Quezon Province.

Bakas ang mga paso sa katawan ng biktima at gula-gulanit din ang suot nitong damit dahil sa lakas ng kidlat na tumama sa kanya.

Iyon na ang ikalawang nasawi sa kidlat sa naturang lugar, ayon sa saksi. Nauna rito, isang 11- anyos na bata ang nasawi dahil sa kidlat.

AUTHOR PROFILE