department of agriculture

Poultry mula Netherlands bawal pumasok sa PH — DA

August 15, 2023 Zaida I. Delos Reyes 234 views

MAHIGPIT na ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pagpasok ng poultry products mula sa Netherlands dahil sa bird flu outbreak sa bansa.

Sa inilabas na memorandum ng DA, bawal ang pag-aangkat ng Dutch wild birds kabilang ang poultry meat, day-old chicks, itlog at semilya.

Sa ilalim ng memorandum, tatanggapin lamang ang mga shipments galing sa Netherlands kung kinatay na o na-produce bago mag July 9.

Sa ulat ng Bureau of National Industry, nakapag-export na ang Netherlands ng 31.3 milyong kilo ng karne sa bansa.

Ipinaliwanag ng DA na nilabas ang kautusan upang maproteksyunan ang kalusugan ng local poultry population laban sa bird flu.