
“Impressive achievement” ng BOC!
“TOGETHER let us continue to push boundaries, break new ground, and uphold excellence, accountability, and the protection of our nation’s interests.”
Ito ang panawagan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa kanyang mga opisyal at kawani sa kanilang flag raising ceremony, noong Lunes, Agosto 7.
Ginawa ni Commissioner Rubio ang panawagan pagkatapos niyang iulat ang “impressive achievement” ng Bureau of Customs sa kampanya nito laban sa ismagling.
Nagbigay pugay si Rubio sa Intelligence Group (IG) ni Depcom Juvymax Uy, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at X-ray inspection Project (XIP).
Ang anti-smuggling operations ng BOC mula Enero 1, 2023 hanggang Agosto 4 ay nagresulta sa pagkakasakote ng mga puslit na produkto na nagkakahalaga ng P30.86 bilyon.
Ang halaga “has already exceeded the aggregate value of goods seized in 2022 by P6 billion,” ayon kay Commissioner Rubio, na kagaya ni Pangulong Marcos ay taga-Ilocos Norte.
Sa totoo lang, ang halaga ng nakumpiskang kontrabando sa taong ito ay ang pinakamataas na “total value of seized goods in the past five years,” ayon pa sa BOC chief.
Dagdag ni Commissioner Rubio: “Your drive to ensure trade integrity and safeguard our borders is highly commendable.”
Hindi na tayo nagugulat sa patuloy na magandang performance ng mga kaibigan natin sa aduana dahil nakikita naman nila ang sinseridad ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
Ang kailangan lang natin ngayon ay pagtutulungan at hindi siraan para tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ating bansa.
Tama ba, Vice President Sara Z. Duterte at Finance Secretary Benjamin Diokno?
***
Ang digitalization program ng gobyerno, lalo na sa Bureau of Customs (BOC), ay nagbubunga na.
Kitang-kita ito sa aduana nang umangat sa pangalawang puwesto ang Pilipinas sa 2023 United Nations (UN) Global Survey on Digitalization and Sustainable Trade Facilitation.
Ang nangunguna sa survey, na isinagawa ng iba’t ibang ahensiya ng UN, ay ang Singapore na may score na 96.77 percent. Sinundan ng Pilipinas, Malysia at Indonesia na may identical scores na 86.02 percent.
Ang ASEAN ay binubuo ng 10 miyembro. Ang mga ito ay Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Singapore, Thailand and Vietnam.
Noong nakaraang taon ay tinanggap ng ASEAN ang East Timor, o Democratic Republic of Timor-Leste, as 11th member na may status na “observer.”
Noong 2021 ay nasa pangatlong puwesto ang bansa. “We take immense pride in the Philippines’ ascent to the second spot in the 2023 UN Global Survey on Digital and Sustainable Trade Facilitation,” sabi ni Rubio.
Dagdag niya: “It reflects our nation’s dedication to embracing technological advancements and creating a more sustainable and inclusive trade environment.”
Sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay priority ang digitalization program para mapabilis at mapaganda and transaksyon sa gobyerno.
Ito ay isa ding solusyon sa nangyayaring graft and corruption sa mga opisina ng gobyerno.
Hindi ba, Pangulong Marcos at BOC Commissioner Rubio?
***
Hindi dapat palampasin ng mga otoridad ang ginagawang pangha-harass ng mga tauhan ng China Coast Guard sa ating Philippine Coast Guard (PCG).
Lalona’t sa loob mismo ng ating exclusive economic zone (EEZ) ginagawa ang mga harassment.
Ang gusto yata ng China ay mamatay sa gutom at sakitr ang ating mga sundalo na nakatalaga sa grounded na BRP Sierra Madre kasalukuyang nasa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Biruin mo naman, ayaw papasukin ng China Coast Guard sa lugar ang ating mga barko na nagdadala ng supply, kasama na ang pagkain, inuming tubig at gamot, sa Sierra Madre.
Ano ang ginagawa ng mga barko ng China sa loob ng ating teritoryo? Ang Ayungin Shoal ay maliwanag na sa atin, dahil napakalapit lang nito sa isla ng Palawan.
Ang problema lang ay dinadaan yata ng China sa pananakot dahil isa itong super power samantalang ang Pilipinas ay isa lang maliit at napakahirap na bansa.
Sana naman huwag tayong pabayaan ng ating mga kaalyado, kagaya ng Estados Unidos, United Kingdom, Australia, Canada, South Korea, Germany at Japan.
Kung hindi ay baka magising na lamang tayo na sakop na ng China ang lahat ng mga isla sa West Philippine Sea.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)