Bea

Kasalang Bea-Dom, maraming nagpi-presentang ninong/ninang

August 2, 2023 Ian F. Fariñas 381 views

AMINADO si Bea Alonzo na ngayon pa lang ay marami nang nagpi-presentang ninong at ninang sa kasal nila ng fiance na si Dominic Roque sa 2024. Kaso, wala pa raw silang nauumpisahan sa wedding plans.

Sa pagpapakilala sa Kapuso actress bilang celebrity endorser ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries (CAF) nitong Martes, sinabi niya na ni wedding planner ay wala pa silang naiisip kunin.

“Sa ngayon, to be totally honest, ang daming nagtatanong sa akin, ang daming nagte-text sa akin kung ano na ang plano sa wedding. Pero kasi, nag-uusap kami ni Dom, pinuproseso pa namin ‘yung pakiramdam ng bagong engaged. Kasi parang wala pang dalawang linggo, eh. Parang alam namin na hindi namin mababalikan ‘yung feeling na ito. Ayaw muna naming ma-stress sa wedding planning at in fact, wala pa kaming nakukuhang wedding planner din. As in wala pa talaga, at all. Ang ginagawa lang namin ngayon is to watch wedding videos, manood ng mga recent weddings na sunud-sunod and get inspired and, alam mo ‘yon, makakuha ng tips kung sakaling magpaplano na kami. Pero sa ngayon, wala. As in gusto muna naming i-enjoy ‘yung pagiging engaged namin,” nakangiting bungad ni Bea sa press.

Sa pagkakaalam niya, magugustuhan ng mommy niya sakaling farm wedding ang piliin nila ni Dom.

“Pangarap n’ya ‘yan!” banggit ng aktres, na napili ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa 2022 CAF dahil sa pag-champion sa sustainable farming sa family-owned Beati Firma farm sa Zambales.

Kung sila raw ni Dom ang papipiliin, intimate wedding talaga ang bet at pangarap nilang gawin.

Pero patuloy niya, “Kahit naman anong gusto namin, siyempre, maraming considerations. ‘Yung mga bisita, ‘yung pamilya namin, so… marami kaming ideas in mind, pero ang hirap kasing i-share tapos hindi ‘yun ‘yung matutuloy.”

Nang tanungin kung sinu-sinong celebrity friends ang siguradong iimbitahin, isa sa mga lumitaw ang pangalan ng erstwhile perennial screen partner niyang si John Lloyd Cruz.

Siyempre, ani Bea, hindi mawawala sa listahan ang pangalan ni Lloydie.

“Kasi sa totoo lang, isa siya sa mga unang nag-congratulate sa akin. Lumaki kami nang magkasama, paano naman siya mawawala?” katwiran pa niya.

Wala rin umano silang balak na ipagdamot ang okasyon sa fans and supporters, lalo pa nga’t kasa-kasama niya ang avid followers sa journey ng makailang heartbreak hanggang sa matagpuan na niya si Mr. Right.

Sa pagsi-share ng journey sa fans, naniniwala si Bea na marami siyang mai-inspire, partikular na ang mga babeng nawawalan na ng pag-asa na matagpuan ang kanilang “the one.”

Samantala, ang 2022 Census of Agriculture and Fisheries ang ika-pito sa series ng decennial agricultural censuses at ika-anim namang decennial census ng fisheries sa bansa mula 1903.

Magsisimula ito sa September 4. Magde-deploy ang PSA ng 15,841 enumerators at 5,430 census supervisors nationwide para mag-conduct ng census sa agriculture at fishery households, argiculture operators mula sa crop farm, livestock, poultry, aquaculture at fishery operators kasama ang barangay officials.

AUTHOR PROFILE