Delia Si Delia Pagadora ay isa sa mga residente ng Palawan na tumanggap ng libreng gamot sa medical mission ng SMFI sa Bgy. Irawan.

Serbisyong medikal hatid ng SMFI sa Palawan

July 21, 2023 People's Tonight 378 views
Xray
Naghahatid ng libreng X-ray at ECG ang SM Foundation Mobile Clinic.

KAMAKAILAN lamang ay nag-organisa ang SM group, sa pamamagitan ng kanilang social good arm na SM Foundation Inc. (SMFI), ng mga medical mission upang maghatid ng karagdagang serbisyong pangkalusugan sa Palawan.

Isinagawa ang nasabing medical missions sa Naval Station Apolinario Jalandoon sa Barangay Irawan, kabilang na rin ang Brooke’s Point, sa pakikipagtulungan ng BDO Network.

Ang inisyatiba ay nag-abot ng iba’t ibang serbisyong medikal, kasama ang konsultasyon, dental checkups, ilang mga minor operation at libreng gamot. Sa tulong naman ng SMFI mobile clinic ay nakapag-abot ang Foundation ng mga libreng X-ray at electrocardiogram o ECG.

Ayon kay Delia Pagadora, isa sa mga benepisyaryo mula sa Bgy. Irawan, nagbigay daan ang medical mission upang alagaan ng kanilang komunidad ang kanilang kalusugan nang walang pinansyal na pasanin.

“Malaking kaginhawaan po sa amin na bukod sa pagsasaayos ng aming Brgy. Irawan Birthing Facility ay nagsagawa din po ang SM City Palawan at SM Foundation ng medical mission. Bukod po sa mahal ang magkasakit, malayo rin po sa amin ang mga ospital,” sabi niya.

“Napakahalaga po sa akin ng kalusugan kaya’t gina-grab ko po talaga ang oportunidad na maka-avail ng libreng pagpapagamot. Bilang daycare worker, kailangan pong maging malakas at alerto ako dahil three to five years old ang inaalagaan ko sa trabaho. Solo parent din ako at ang anak ko. Dahil nawalan siya ng trabaho noong pandemic, kailangan magsumikap para sa pamilya, lalo na para sa aking apo,” dagdag pa niya.

Ang medical mission ay isinagawa rin sa pakikipagtulungan ng DMIRIE Foundation – ang charity organization ng DMI, Medical Supply Company Inc. – 2GO, Negrense Marine Integrated Services Inc., Philippine Navy, volunteer groups at mga lokal na pamahalaan sa Palawan.

AUTHOR PROFILE