Ogie

Ogie, handang harapin ang demanda ni Sabrina… Claudine, Katrina at Cristy, kakasuhan din

July 21, 2023 Vinia Vivar 354 views

May sagot ang talent manager/vlogger na si Ogie Diaz sa tsikang kasama siya sa mga sasampahan ng kaso ni Sabrina.

Sa latest vlog ni Ogie ay biniro siya ng kasamahang si Ate Mrena na kasama siya sa mga idedemanda ni Sabrina.

Natatawang sabi ni Ogie, “Ano naman ang kadema-demanda sa sinabi ko?”

Aniya pa, “Sabi ko lang, huwag gamitin naman ‘yung patay, Diyos ko naman. Hindi na makakabangon si Rico Yan para gamitin at para pabulaanan or aminin o i-claim ‘yung kanyang ano, claim.”

Pero kung gusto raw magdemanda ni Sabrina ay okay lang.

“Kung gusto niyang magdemanda, di magdemanda siya. ‘Di ba? Kung ‘yan ang makakapagpasikat at makakapagpabalik sa kanya ulit sa industriya, go!” sey ni Ogie.

Balita nga rin daw niya ay idedemanda rin sina Katrina Paula, Claudine Barretto at Cristy Fermin.

Sa huli, ani Ogie, “Sana wala nang dema-demanda, pwede namang magkasundo. Diyos ko naman. Napag-uusapan naman ‘yan. Pero kung feeling niya, tama ‘yon, eh, wala naman tayong magagawa.”

AUTHOR PROFILE