Bea

Magkaibang background, ugat ng samaan ng loob nina Bea at Alden

July 15, 2023 Vinia Vivar 263 views

Nilinaw ni Bea Alonzo na bagama’t nagkaroon sila ng misunderstanding ni Alden Richards noong ginagawa nila ang seryeng Start-Up Ph ay hindi naman umabot sa puntong nag-away sila.

“Nagkaroon kami ng sama ng loob but ‘di kami nag-away,” ani Bea sa interview ni Boy Abunda.

Hindi na idinetalye pa ni Bea kung bakit sila nagkasamaan ng loob ni Alden pero aniya ay professional problems ito.

“I guess, it’s also because we have different backgrounds. Also, I think, nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set,” aniya.

Pero napag-usapan nila ito nang maayos like mature people at naibahaging sa eroplano sila nagkabati ni Alden.

“I remember, when we were on the plane going to Davao while we were promoting Start-Up, pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out,” kwento ni Bea.

AUTHOR PROFILE