
Sunshine, nagsalita na sa dahilan ng pakikipaghiwalay kay Macky Mathay
Finally ay nagsalita na rin si Sunshine Cruz tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ng dating karelasyong si Macky Mathay.
Sa latest interview ni Sunshine sa vlog ni Karen Davila ay isa sa mga napag-usapan nila ang tungkol sa love life ng aktres. Siyempre, kasama rito ang huling relasyon niya.
Matatandaang napabalita ang hiwalayan nila ni Macky noong September, 2022 and since then ay never pang nagsalita si Shine sa cause ng breakup.
“Sa totoo lang, pagdating kasi kay Macky, hindi ko rin naman hinintay ‘yan. That time, Miss Karen, magpo-four years na akong hiwalay kay Cesar. I was too focused on my children and work. I gave him a chance and no regrets naman. He was a good guy,” simula ni Shine.
Almost six years din ang kanilang naging relasyon at nakipaghiwalay siya rito five days before their 6th anniversary.
“Five days bago mag-six years anniversary kami, nakipaghiwalay ako sa kanya. Lock-in taping pa ‘yun. Through message, I said na, ‘I don’t think may patutunguhan pa ‘tong relationship,” pagbabahagi ng aktres.
Asked kung bakit inabot ng close to six years, sey ni Shine, “Nakita ko lang, Miss Karen, na parang hindi nagle-level-up ‘yung relationship. Hindi nagmu-move.”
Dagdag pa niya, “Don’t get me wrong, he’s a good guy. I love his children. Pero siyempre, at this point in my life, I am 45, siyempre parang naghahanap na tayo ng relationship na kahit papano, lumi-level-up, hindi ‘yung diretso lang. Kasi magsi-six years na, parang ganyan lang kami.”
Pero nang matanong naman kung gusto niyang magpakasal ulit ay “no” raw.
“Sa totoo lang, ayoko na, eh. Ayoko naman na. I’m okay na ‘life partner’ kami. Pero ‘yung pagpapakasal, sa ngayon, hindi ko naiisip,” she said.
After her last relationship ay bukas naman siya sa posibilidad na magmahal muli.
“Ang sarap magmahal. Ang sarap kiligin. Ang sarap ng may inspirasyon. So kung may dumating para sa akin, bakit hindi?” anang aktres.