Sarah

Sarah, kinondena ang guard na naghagis ng tuta

July 15, 2023 Vinia Vivar 298 views

Isa si Sarah Geronimo sa mga nakiisa sa pagkondena ng Animal Kingdom Foundation (AKF) at ng iba pang pet lovers sa ginawang kalupitan ng isang mall security guard sa isang tuta noong July 11.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ni Sarah ang larawan ng isang patay na tuta na nasa loob ng isang kahon.

Aniya sa caption, “a security guard is supposed to PROTECT LIVES. Brownie should have been counted as one too.”

Patuloy pa niya, “we join Animal Kingdom Foundation and fellow animal welfare advocates in the efforts to get justice for the innocent puppy” and used the hashtag, “#stopanimalcruelty.”

Ayon sa mga ulat na naglabasan, last July 11 ay ipinost ng isang netizen ang ginawa ng security guard ng isang mall sa tuta.

Ayon sa kwento ng netizen ay pinapaalis ng security guards ang mga bata at ang tutang alaga ng mga ito sa labas ng mall.

Ayaw umalis ng mga bata kaya ang ginawa ng guard ay kinuha ang tuta at inihagis mula sa footbridge. Bumagsak sa kalsada ang kaawa-awang tuta at namatay.

Nag-viral agad ang naturang post at nagliyab ang galit ng netizens sa security guard.

Maging ang mall ay naglabas na ng statement at kinondena ang ginawang pagmamalupit ng guard sa hayop.

Tinanggal na raw sa serbisyo ang naturang empleyado at magsasagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyari.

Sa IG page naman ng AKF, ipinaalam nila na nagsampa na sila ng kaukulang kaso laban sa security guard.

Nagpasalamat din sila kay Sarah sa pakikiisa sa kanila.

Matagal nang pet lover si Sarah G. at advocacy niya ang animal rights and welfare.

Sinusuportahan nila ng mister niyang si Matteo Guidicelli ang AKF sa pangangalagang ginagawa sa mga hayop.

AUTHOR PROFILE