Elias

Elias nagi-enjoy sa magkahiwalay na pamilya ni John Lloyd at Ellen

June 29, 2023 Aster Amoyo 601 views

DerekDerek1Elias1ELIAS Modesto Adarna Cruz, the son of actors John Lloyd Cruz and Ellen Adarna celebrated his 5th birthday last June 27. His mom and his stepdad Derek Ramsay hosted a safari-themed party for him na sobrang in-enjoy nito.. On a separate day ay kasama rin ni Elias ang kanyang dad na si John Lloyd and his non- showbiz girlfriend na si Isabel Santos na nag-celebrate ng kanyang birthday sa rest house ng kanyang ama in Batangas.

It seems na very comfortable si Elias having two families – his mom with his Papa D (Derek) and his biological father na si John Lloyd kasama ang kanyang Tita Isabel.

Although alam ni Elias na si JLC ang kanyang biological dad, he treats his Papa D as his second father. Parang sariling anak naman ang turing ni Derek kay Elias.

Derek’s biological son na si Austin Garbriel turned 20 recently at hindi nakalimot ang kanyang ama sa kanyang kaarawan.

“To my eldest son, I want to welcome you to the next chapter of your life.

It’s crazy how time flies, little man. Happy 20th birthday. Love you son.”

Hindi rin nakalimot si Derek na batiin ang kanyang stepson na si Elias sa kanyang kaarawan.

“”I’m super proud to be your Papa D! Happy birthday my little babing.

Love you son.”

Si Austin ang unang sinabihan ni Derek sa plano niyang proposal noon sa wife na niya ngayong si Ellen na nangyari nung March 30, 2021 na sinundan ng kanilang wedding sa isang luxurious venue in Bagac, Bataan nung November 11, 2021.

Umaasa ang celebrity couple na mabibiyayaan din sila ng sarili nilang anak although may tig-isa na sila sa kanilang respestive ex-partners bago pa man sila nagkakilala.

Si Austin ay anak ni Derek sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Samantala, nakilala lamang ni Austin ang kanyang amang si Derek when he was already ten years old. He was raised by his mom in Dubai. He was already 14 years old when he decided to live with his father and was 17 when he started calling his father Dad na sobrang ikinatuwa ng athlete- actor.

Ang pagiging athlete ng kanyang ama ay minana ni Austin. He’s a wakeboard enthusiast at kabilang sa rugby team ng kanyang school.

Atty. Gozon: Wala nang TV war

ShowtimeShowtime1Showtime2Showtime3PangilinanSA kabila ng pagkaka-bump off ng “It’s Showtime” sa kanilang original time slot sa TV5 to give way sa bagong noontime program ng Tito, Vic & Joey sa Kapatid Network, thankful pa rin ang bumubuo ng “It’s Showtime” dahil sila’y pinatuloy ng Kapatid Network sa loob ng isang taon bago ang kanilang historical move to GTV ng GMA na itinuturing noon na archrival ng ABS-CBN.

During the contract signing between GMA and ABS-CBN big bosses na sinaksihan ng mga stars ng “It’s Showtime” sa pangunguna nina Vice Ganda at Anne Curtis, sinabi ng Chairman ng GMA na si Atty. Felipe Gozon na wala na
umanong “TV war”.

Bukod sa unang kolaborasyon ng GMA at ng ABS-CBN sa pamamagitan ng hit primetime TV series na “Unbreak My Heart,” umaasa ang magkabilang panig na magtutuluy-tuloy ang kanilang kolaborasyon laluna pagdating sa content.

Samantala, kahit magsisimula pa lamang ngayong July 1 at 11:30 a.m. ang “It’s Showtime” sa GTV, marami na ang nagi-speculate na maaaring ma-move ang programa sa time slot ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” sakaling magtapos ang kontrata ng TAPE, Inc. sa isang taon at hindi maka-sustain ang programa sa kanilang ratings.

Bukod sa paglagda ng kontrata sa pagitan ng GMA at ng ABS-CBN na may kinalaman sa pagpasok ng “It’s Showtime” sa GTV, isa ring hiwalay na contract signing ang nangyari nung isang araw sa pagitan ng Media Quest Holding, TV5 at Cignal TV at ABS-CBN for a five-year content agreement. At bilang simula, dalawang programa kaagad ang magkasunod na ipalalabas sa Kapatid Network bilang bahagi ng kanilang kolaborasyon with ABS-CBN.

Nawalan man ng prangkisa ang ABS-CBN simula nung May 5, 2020, gumagawa pa rin sila ng pamamaraan na maihatid sa publiko ang mga balita, entertainment at public service sa pamamagitan ng iba’t iba nilang platform at kolaborasyon with other TV networks.

Samantala, excited na ang mga manonood na muling mapanood ang patuloy ng `bakbakan’ ng mga noontime shows sa pagitan ng bagong programa ng TVJ & the Dabarkads sa TV5 at ng “It’s  ” sa GTV na parehong magsisimula ngayong Sabado, July 1 at 11:30 a.m. Tiyak na pareho itong pinaghahandaan ng magkabilang panig.

Since nariyan pa rin ang `bagong’ “Eat Bulaga,” ano naman kayang paghahanda ang gagawin nila sa mangyayaring tapatan sa pagitan ng TVJ at ng “It’s Showtime”?

Metrowalk gagawing Little South Korea town

NAPAG-ALAMAN namin na ang Metrowalk in Pasig City ay nakatakdang gawing `Little Seoul (Korea)’ ng businessman at dating politician na si Chavit Singson. Dito ay matatagpuan hindi lamang ang pagkain at shopping experience mala-South Korea kundi dadalhin din dito ang kultura at entertainment ng nasabing bansa.

Sa unang pagkakataon ay dadalhin din sa Metrowalk ang Water Gun Festival na isang sikat na festival in South Korea na nakatakdang ganapin sa darating na November 3, 2023 with non-stop entertainment featuring top Korean artists.

Kung naging tradisyon na ang basaan ng tubig tuwing fiesta ng San Juan, kakaiba naman ang mai-experience ng mga Pinoy at Koreans sa Water Gun Festival dahil inaasahan na ang magsisidalo sa nasabing festival ay naka-swim wear at handang mabasa ng tubig sa pamamagitan ng water guns.

Ang Water Gun Festival ay ginaganap sa South Korea tuwing July (summer season) at ito’y ia-adapt sa Pilipinas sa buwan ng November.

Ayon kay Jack Hyunsoo Noh, ang CEO ng LCS Group Korea, Inc., tiyak umanong magi-enjoy ang mga Filipino and Koreans in the Philippines dahil sa mga pagbabagong makikita nila sa Metrowalk na nakatakdang i-knock down kapag aprubado na ang lay-out ng magiging bagong look ng 18-hectare na Metrowalk.

Ogie di pinalampas ang pagkakataong makita muli si Anne

PARANG reunion ang nangyari kina Anne Curtis at Ogie Alcasid with their former GMA bosses during the contract signing last Wednesday between GMA top management and ABS-CBN bosses para sa paglipat ng “It’s Showtime” GTV, sister station ng GMA.

Sina Anne at Ogie along with Karylle ay parehong Kapuso stars bago sila naging Kapamilya.

Dapat sana’y wala si Ogie sa contract signing dahil may show sila sa Qatar ng wife niyang si Regine Velasquez, pero nauna nang umalis si Regine at sumunod kinabukasan ang singer-songwriter, actor-comedian at host.

Ayon kay Ogie, ayaw niya umanong palagpasin ang maituturing na historic contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN at makitang muli ang kanyang former bosses at GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE