
May mga katanungan sa bidding
KATAWA-TAWA ang mga kaganapan umano Department of Transportation at Land Transportation Office.
Saan ka ba naman kasi nakakita ng de-papel na driver’s license?
Pero hindi pa rito natatapos ang problema sa DOTr.
Ang bidding kasi sa mga plastic cards na gagamitin para sa paglimbag ng mga lisensya ay nababalot umano ng mga katanungan.
Mukhang gusto pang pagkakitaan ng ilang opisyal sa Kagawaran na pumapapel sa bidding process.
Inilahad ng isang reliable source na diniskwalipika umano ang nakatanggap ng Lowest Calculated Bid at may bid offer na P33.88 kada piraso.
Ito ay para raw paunlakan ang kalabang bidder na may bid offer na P42 kada piraso.
Ang bottomline difference sa pagitan ng dalawang bidder ay P42.3 million.
Nasa 5.2 milyong plastic cards ang kinakailangan ng DOTr para matugunan ang kakulangan, dahilan kung bakit marami ang nababahala sa kaganapang ito.
**
For comments, please call or text 09569012811 or email [email protected]