Default Thumbnail

Drayber nakitang dedo sa trike nito

June 26, 2023 Jonjon Reyes 316 views

PATAY na nang matagpuan ang isang 37-anyos na drayber sa loob mismo ng pinapasadang tricycle nito, Linggo ng hapon sa Mel Lopez Boulevard, Southbound, Aroma Compound, Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, commander ng Raxabago Police Station (PS) 1, kinilala ang biktima na si Ricardo Dela Cruz, ng Barangay 100 sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Irene Jay Manalili kay P/Cpt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 5:30 ng hapon, nitong Hunyo 25, nang madiskubre na hindi na humihinga ang biktima sa nasabing lugar.

Isang barangay kagawad ang nagpaabot ng nangyaring insidente sa MPD Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) saka nito ikinordon at ipinagbigay-alam sa tanggapan ni Turla.

Inutos naman ni Turla kay Manalili na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente habang ang labi nito ay pansamantalang inilagak sa isang morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE