
BGY CHAIRMAN PATAY SA AMBUSH!
Pati driver, bodyguard
PATAY ang kapitan ng barangay, driver at bodyguard nito nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect, Martes ng hapon sa Lambayon, Sultan Kudarat.
Nakilala ang nasawing kapitan na si Bryan Baumol, nasa hustong gulang, at kapitan ng barangay Baumol, Sultan Kudarat.
Hindi pinangalanan ang mga nasawing tauhan ng kapitan.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 5 p.m. sa boundary ng Barangay Pentiguian at Barangay Baumol.
Lulan umano ang mga biktima ng isang sasakyan patungo sa isang lugar nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspects.
Dead on the spot ang mga biktima habang mabilis namang tumakas ang mga suspects.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.