Maja

Pamamaalam ni Maja sa ‘Eat Bulaga,’ nagkaroon ng kulay

April 15, 2023 Aster Amoyo 616 views

Maja1PANSAMANTALANG nagpaalam ang singer, actress, host, dancer, celebrity endorser at CEO ng Crown Artists Management na si Maja Salvador sa noontime program na “Eat Bulaga” dahil gusto nitong tutukan ang kanilang nalalapit na wedding ng kanyang fiancé na si Rambo Nunez sa July.

Hindi maiiwasang magkaroon ng ingay ang kanyang pansamantalang pagkawala sa programa na humaharap ngayon sa pagsubok. May nagsasabing itinaon pa ito ni Maja ngayong nagkakaproblema ang programa. Pero alam naman ng actress-host na ito’y nauunawaan ng management ng TAPE, Inc. na producer ng top-rating and longest-running noontime show.

Samantala, ang inaasahang press conference ng TAPE, Inc. na may kinalaman sa “Eat Bulaga” ay tuloy na sa Lunes, April 17.

Ang King of Talk na si Boy Abunda ang nag-announce nito sa kanyang “Fast Talk” program sa GMA. Dito umano sasagutin isa-isa ang iba’t ibang espekulasyon na may kinalaman sa magaganap sa noontime program.

Dionne nagkaroon ng pagkakataong muling umarte

DionneDionne1IT was on February 25, 2021 nang i-announce ng ex-PBB housemate (Season 2) at dating Kapamilya actress na si Dionne Monsanto ang kanyang paghinto sa showbiz para sa Switzerland na mamimirmihan kasama ang kanyang Fil-Swiss husband na si Ryan Stalder at almost one-year-old (on April 18) daughter na si Sienna.

Sa Switzerland nangyari ang engagement ng couple nung February 6, 2021 na sinundan ng kanilang intimate wedding ceremony nung March 8, 2021.

Although mahal ng actress ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, nasa ibang phase na siya ngayon ng kanyang buhay, ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Pero hindi niya akalain na may pagkakataon pa rin pala na maipagpatuloy ang acting career tulad ng nangyari dito sa historic collaboration ng GMA, ABS-CBN with their streaming partner, ang Viu sa TV series na “Unbreak My Heart” which was supervised ng Dreamscape Entertainment na ipapalabas sa GMA sa Philippines and 15 other territories. Nakasama siya sa nasabing serye na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia at Gabbi Garcia. This is jointly directed by Emmanuel Palo at Dolly Dulu at kinunan mismo sa magagandang lugar in Switzerland.

Since sa Switzerland na naka-base si Dionne, Dreamscape thought of getting her and be part ng makasaysayang serye.

Thankful naman si Dionne sa opportunity at nagkataong nasa Switzerland din ang kanyang sister na si Aileen at ito muna ang nag-aalaga sa kanyang anak habang siya’y nasa shooting. May work naman ang kanyang husband na si Ryan.

The actress is currently in town with her daughter na si Sienna to visit her family in Cebu at malamang dito na rin i-celebrate ang 1st birthday ng anak na gusto niyang lumaki na alam ang kanyang Filipino roots and culture.

Natutuwa ang actress na nakauwi siya after two years to see her family and friends at bitbit pa niya si Sienna, and it is her baby’s first travel abroad at sa Pilipinas.

Beauty walang conflict sa bagong endorsement

BeautyBeauty1FILIPINO women by nature ay mahilig talagang magpaganda at mag-alaga ng kanilang skin at kasama na sa kanilang beauty regimen ang pagbili at paggamit ng iba’t ibang beauty products. Halos lahat ng beauty products mula sa iba’t ibang manufacturers and distributors ay mabenta kaya ito ang nagtulak kay Anne Barretto, CEO ng Hey Pretty Skin na pasukin na rin ang booming industry na ito.

Although one-year-old pa lamang ang iba’t ibang beauty products ng Hey Pretty Skin ay agad itong tinangkilik ng mga kababaihan at lalong dumami ang distributors nito sa ibang bansa.

Mas magiging mabilis makilala ang mga produkto ng Hey Pretty Skin kung meron silang brand ambassador na magi-endorso ng kanilang product line. At dito pumasok ang ex-PBB housemate-turned actress na si Beauy Gonzales na sa kabila ng pagkakaroon ng asawa’tanak ay saka naman lalong sumikad ang career at pagiging in-demand na celebrity endorser.

Bago nagsimula ang media conference na ginanap sa isang function ballroom ng Crowne Plaza Hotel, ilan sa mga invited entertainment press ay nagtaka kung bakit ito tinanggap ng actress samantalang identified siya sa BeauteHaus ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan.

Wala bang conflict dahil parehong beauty product line ang Beautederm at Hey Pretty Skin?

Kaagad nilinaw ng actress na wala umanong conflict kaya nila tinanggap ang alok ng Hey Pretty Skin.

Samantala, during the presscon ay inamin ni Beauty ang pagiging understanding and supportive ng kanyang businessman husband na si Norman Crisologo sa kanyang career at hinahayaan siyang mag-grow as a person, actress, wife and mother.

Whenever Norman is free ay sinasamahan niya ang kanyang misis na si Beauty sa mga lakad, tapings at shoots nito.

Marami rin ang nagsasabi na mas lalong gumanda, sumeksi at naging confident ang aktres magmula nang ito’y mag-asawa at magkaanak.

“He lets me do the things na nagpapasaya sa akin,” pahayag ni Beauty tungkol sa mister.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE