Suspek Kiinakausap ni PLt.Col Wilson Villaruel, MPD Sampaloc Station 4 commander ang suspek. Kuha ni JON-JON C. EYES

‘KILLER’ NG MAGKAPATID NA LOLA HULI NA

March 19, 2023 Jonjon Reyes 1137 views

Suspek1APAT ang naging saksi sa ginawang panloloob at pagpatay sa dalawang magkapatid na babaeng senior citizen, nang matunton ng mga tauhan ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 sa Las Piñas City ang suspek Sabado ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Rodel Cleofe alyas “Kambal,” 36, jeepney driver, may asawa , residente ng Villa Vista , General Trias, Cavite City.

Base sa naging ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Station Commander, bandang 1:40 p.m. ng Sabado nang bitbitin si Cleofe sa Blk.17, Lot 19, Bernabe Compound, Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Sa tulong ng apat na testigo, kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo, ay positibong nakilala ang suspek.

Ayon sa report ng pulisya, ininguso ng isang impormante ang pinagtataguan ng suspek.

Sa pangunguna ng Intel and Warrant Section ng MPD- Station 4, sa pakikipag koordina ng grupo kay Police Major Dino Paulo Ramos, hepe ng Zapote Sub Station sa Las Piñas City ay dinamba ang suspek.

Pagnanakaw ang sinasabing motibo sa krimen, nang pasukin nito ang bahay ng magkapatid na sina Elizabeth Porras, 84, pediatrician, residente ng Verdad St., Brgy. 436, Zone 44, Sampaloc, Manila.

Pinatay umano sa sakal si Elizabeth habang ang kapatid nitong si Alicia, 64, na may karamdaman sa pagiisip (schizophrenia), ay tinakpan umano ng damit ang bibig at ilong hanggang sa mamatay ng bandang 9 a.m. nitong nakaraang Biyernes.

Naniniwala si Villaruel na lutas na ang kaso ng magkapatid na kapwa Senior Citizen.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong dalawang counts ng robbery with homicide.

Agad nagpaabot ng pagbati si MPD- Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa mabilis na aksyon ng mga tauhan ni Villaruel at patuloy na implementasyon ng “Oplan Galugad.”

AUTHOR PROFILE