
PhilPost: Mag-ingat sa pekeng postal employees
NAGBABALA ang Philippine Post Office (Philpost) laban sa mga taong nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.
Ipinahayag ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi sila tumatawag sa mga kliyente para sa anumang transaksyong pinansyal.
Pinag-iingat ng Post Office ang mga mamamayan kaugnay sa mga scammers na ginagamit ang kanilang mga kasanayan sa computer upang i-configure ang mga tawag at ipakita na ito ay mga lehitimong tawag mula sa Customer Service Hotline ng postal corporation, (02) 8288-7678.
“This official number, however, is being used by the Post Office for the sole purpose of entertaining inbound calls from the mailing public who are tracing the whereabouts of their mail or parcels. It is never used for outgoing or outbound calls for verifications on senders or addressees of postal matters,” pahayag ng pamunuan ng Post Office .
Humingi rin ito ng tulong sa Manila Police District na kasalukuyan nitong telephone service provider para matugunan ang sinasabing package scam.
Ang babala ay inilabas, matapos magtungo ang tatlong pribadong mamamayan kamakailan sa Cebu Post Office upang magtanong tungkol sa mga kahina-hinalang tawag sa telepono na kinumpirma na “spoofed o cloned na mga tawag na may end view ng extortion.”
Pinayuhan ang publiko ng Post Office na huwag magbigay ng mga impormasyon sa mga scammers.
Maging sa Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na ipinaabot na nila ang nasabing scam , kaya pinaiimbestigahan na nila ang mapaglinlang na pamamaraan.