Default Thumbnail

92 wanted nadakip sa ika-9 Warrant Day ng SPD

April 8, 2024 Alfred P. Dalizon 268 views

SIYAMNAPU at dalawang wanted persons sa Metro Manila ang ngayon ay nakakulong na bunga ng ika-siyam na Warrant Day ng Southern Police District noong nakaraang Biyernes, ayon sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Major General Jose Melencio C. Nartatez Jr. kahapon.

Sinabi ni SPD director, Brigadier Gen. Mark D. Pespes na kabilang sa mga nahuli ang 22 Top Most Wanted Persons or TMWPs, 29 Most Wanted Persons o MWPs at 41 na Other Wanted Persons o OWPs.

Ayon sa opisyal, ang Makati, Pasay, Muntinlupa and Las Piñas City Police Stations ay nakahuli ng tig-apat na TMWPs habang ang Taguig at Parañaque CPS ay dumakip ng tig-tatlong TMWPs.

Ang Muntilupa CPS naman ay nakahuli ng pitong MWPs while ang Pasay CPS ay may anim na MWPs. Ang Makati CPS ay nakakuha ng apat, ang Las Piñas CPS at SPD District Special Operations Unit ay mag tig-tatlo at ang Taguig at Parañaque CPS naman ay mag tig-dalawang huli sa naturang wanted category.

Ang SPD District Mobile Force Battalion at DTU/DACU ay nakadakip naman ng tig-isang MWP.

Sinabi pa ni Brig. Gen. Pespes na ang Las Piñas CPS ay nakahuli din ng walong OWPs habang ang Makati at Taguig CPS ay nakakuha ng tig-pitong wanted sa katulad na kategorya.

Ang Muntinlupa CPS naman ay may anim; ang Pasay CPS may lima; ang Parañaque CPS may apat; ang Pateros Municipal Police Station may tatlo at ang DTU/DACU ay may tig-isang huli na OWPs.

Ang SPD Warrant Day ay isang programa kung saan lahat ng istasyon at iba pang mga units ng SPD ay nagse-serve ng warrants of arrest kada Biyernes sa lahat ng wanted persons na naninirahan sa southern part ng Metro Manila.

AUTHOR PROFILE