Default Thumbnail

8 suspek sa pagnanakaw arestado sa QC

July 8, 2024 People's Tonight 460 views

INARESTO ng mga pulis ang walong suspek, kabilang ang apat na babae, sa pagnanakaw at pagtangay ng vault at mga gamit ng kompanya sa Quezon City noong Sabado.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:11 ng hapon nang maganap ang robbery hold-up sa isang warehouse sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Nahuli ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar, ayon sa report.

Nasamsam mula sa mga suspek ang company vault, isang Glock, cellphones, anim na 9mm live ammunition, isang magazine, itim na sling bag, mga IDs, itim na Toyota Commuter, 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, mga dokumento ng kumpanya, granada at isang caliber .38 Armscor.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE