Tsino

7 Tsino na nagtatrabaho sa quarry naaresto ng BI

May 30, 2024 Jun I. Legaspi 435 views

PITONG Chinese ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na nagtatratabaho sa quarry sa Batangas.

Ayon kay BI intelligence division Fortunato Manahan, Jr., naaresto ang pito sa isang operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng regional intelligence operations unit kasama ang government intelligence forces at Taysan Municipal Police Station.

Inihayag ni Manahan na una nilang target ang isang Wang Zhenglai, 34 anyos na mayroong working visa subalit pinetisyon ng isang pekeng kumpanya.

Gayunman, sa oeprasyon, nasakote nila ang anim na iba na iligal na nagtatrabaho sa lugar.

Bukod kay Wang, limang iba pa ang mayroong working visa subalit pinetisyon ng mga kumpanya sa Quezon City habang ang isa ay mayroong tourist visa.

KInilala ang isa sa mga manggagawa na si Wang Shou Min, 67 anyos na siinasabing ‘big boss’ ng mining company, at ang ama na si Wang Zhenglai.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang working visas ay kapwa company-specific at station-specific.

“Foreign nationals who possess a working visa but found to be petitioned by fake companies or caught to be working in other locations may face deportation cases,” diin ni Tansingco.

Ipinaliwanag ni Tansingco na ang paggamit ng pekeng kumpanya ay nagiging trend na dahil sa pagkakasidkubre ng ga dayuhan na gumagamit ng pekeng dokumento sa bansa.

Ang pag-aresto sa mga dayuan ay bunsod ng intelligence information na ilang Chinese nationals ang iligal na nagtatrabaho sa mining operations.

AUTHOR PROFILE