Fajardo

7 preso nakatakas sa PDEA jail sa Zamboanga

May 13, 2024 Zaida I. Delos Reyes 124 views

PITONG preso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakatakas mula sa detention facility nito Lunes ng umaga sa Zamboanga City.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) dakong 2:45 ng umaga nang madiskubre na nawawala ang mga preso sa kanilang kulungan.

Sinabi ni PDEA spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang mga preso ay nasa kustodiya ng PDEA.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakakita ang duty jail guard ng butas sa kisame ng kulungan kung saan posibleng doon dumaan ang mga preso.

Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo na bumumo na ng tracker team ang PNP para makatulong sa muling pag-aresto sa mga pumugang preso.

Patuloy ang ginagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa insidente.