
7 bagong kaso ng arcturus COVID subvariant naitala
NAKAPAGTALA ang Department of Health ng pitong kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o “Arcturus.”
Ayon sa DOH, umakyat na sa 11 ang kabuuang bilang ng subvariant na ito sa bansa.
Sa mga bagong naitalang kaso, tig-dalawa ang naitala sa Central Luzon at Western Visayas. May tig-isang kaso naman sa Bicol Region, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang mga bagong kaso ay lumabas sa samples sequencing na ginawa ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) noong Mayo 9 at 11.