Tupada Ang eksena sa tupada na sinamantala noong Mahal na Araw.

6 tupada bettors nalambat

April 20, 2025 Gil Aman 163 views

ANIM na mananaya sa tupada ang nalambat noong Biyernes Santo sa Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City police kay Laguna police director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang mga inaresto na sina alyas Anatolio, Cornillio, Diony, Jueman, Sedr at Rolando.

Ang anim hindi nakaligtas sa pag-aresto pero ang ibang suspek nakatakas matapos salakayin ang bakanteng lote sa Brgy. Turbina dakong alas-11:30 ng umaga.

Nabawi sa anti-tupada operation ang dalawang fighting rooster, dalawang cock fighting blade at P23,500 bet money na may iba’t-ibang denomination.

AUTHOR PROFILE