
6 Senate bets naglatag ng plataporma
STA. ROSA City, Laguna–Dumayo sa syudad na ito ang anim na senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas para ilatag ang programa nila bago ang campaign rally na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes.
Nakatuon ang mga programa nina Abby Binay, Tito Sotto, Erwin Tulfo, Tol Tolentino, Ping Lacson at Sen. Benhur Abalos sa Senado sakaling manalo sa eleksyon sa May 12.
Si Congressman Toby Tiangco, na nagsilbing campaign manager, ang nagbigay ng kanilang plataporma.
Pag-uukulan rin ng Alyansa ang hinggil sa mga flood control project upang hindi pagmulan ng corruption.
Pagtutuunan ang preservation ng ilang lugar sa Laguna lalo na sa ikatlong distrito para sa food security.