
6 na suspek na tulak timbog, P403K na shabu nasamsam sa NE
CABANATUAN CITY–Anim na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang nasakote at P403,580 na halaga ng shabu ang nasamsam noong Huwebes at Biyernes Santo sa lungsod na at sa Jaen at San Isidro.
Sa lungsod na ito, arestado ang trak driver at construction worker, ayon kay Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya.
Natimbog ang dalawa sa Purok 5, Brgy. Cruz Roja bandang alas-5:09 ng umaga noong Biyernes Santo.
Nakuha sa mga suspek ang 14 na plastic packs ng shabu na may bigat na 55 gramo na nagkakahalaga ng P374,000.
Sa Bgy. Sapang, Jaen, arestado ang isang 44-anyos na tagakatay ng baboy at kasabwat nitong vendor.
Tinatayang nasa 2.5 na gramo ng shabu ang nasamsam sa dalawa na nagkakahalaga ng P17,000, ayon kay police head Major Ernesto Esguerra.
Sa San Isidro, naaresto ang 39-anyos na dating overseas Filipino worker at isang 38-anyos na tambay dakong alas-4:30 ng madaling araw noong Biyernes Santo.
Nakuha sa dalawa ang shabu na tumitimbang ng 1.85 gramo at nagkakahalaga ng P12,580.
Isang magsasaka, 46, sa Llanera ang nadakip nang salakayin ng mga awtoridad ang kanyang lugar matapos mag-ulat ang isang concerned citizen ng kahina-hinalang aktibidad tungkol sa nagaganap na tsongkian sa nasabing lugar.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2004 para sa mga naarestong suspek.