Default Thumbnail

6 na sugarol, 2 boga nalambat

June 23, 2024 Steve A. Gosuico 121 views

CABANATUAN CITY–Kalaboso ang inabot ng anim na lalaki na natimbog sa aktong nagsusugal sa syudad na ito.

Bukod dito, dalawang loose firearms ang itinurn-over sa mga awtoridad bilang bahagi ng Balik Baril program ng Philippine National Police (PNP)

Sa Science City of Munoz, sinabi ni city police head Lt. Col. Joel M. Dela Cruz na inaresto ang isang lalaki sa Brgy. Poblacion south bandang alas-11:55 ng umaga noong Sabado dahil sa pagnanakaw.

Sa iba pang operasyon kontra ilegal na sugal, isa ang nahuli habang dalawa ang nakatakas sa pagkakaaresto sa Brgy. Calipahan, Talavera habang natiklo ang apat na suspek habang naglalaro pusoy sa Brgy. Bacayao, Guimba.

Humantong sa pagkakasamsam ng mga taya ng iligal na sugal na nagkakahalaga ng P2,260 at dalawang set ng baraha.

Samantala, dalawang loose firearms – isang paltik na cal. 38 revolver at isang sumpak–ang isinuko sa Pantabangan at San Isidro police station noong Sabado.

Sinabi ni Nueva Ecija police chief Col. Richard V. Caballero na ang matagumpay na operasyon tanda ng epektibong programa ng gobyerno laban sa kriminalidad.

AUTHOR PROFILE